Malapit ng magdapit hapon at masaya kong inaalala
ang mga nakaraan. Batang naglalaro mula hapon hanggang lumubog ang araw.
Masayang nagtatawanan si Baste, si Marya, si Kaloy, si Isay, at ako habang
naglalakad mula sa aming palaruan patungon looban. Malamig ang hanging
dumadampi sa pawisang mga katawan habang tinutukso si Baste sa baho niya. Madalas
na ganoon ang tagpo pagkatapos ng amin laro sa aming mumunting mundo, ang
palaruan.
Si Marya ang pinaka matanda sa amin. Nasa ika-6
na baitang na siya. Si Kaloy na nakababatang kapatid ni Marya ay kaedaran naming
ni Baste. Nasa ika-5 na baitang kami samantalang si Isay at nasa kapareho na
naming edad pero di siya nag-aaral. Pinahinto siya ng nanay niya kasi wala
silang pera.
UNANG
LARO
Alas-tres na ng hapon ng sumunod na araw at
nagtawag na si Marya pagkalapag ng gamit niya galing sa paaralan. Biyernes noon
pero kahit naman may pasok, pagkarating na sa bahay basta may magyaya sa
palaruan e pupunta at pupunta ang lahat.
“Kaloy! Kaloy! Yayain mo na ang iba. Maglalaro
tayo ng tumbang preso!” ang sigaw ni Marya.
“Ate naman e. Kaya mo naman na silang tawagin
ako pa talaga ang inutusan.” pagmamaktol ni Kaloy.
“Mas-matanda ako sayo kaya wala kang magagawa
kundi ang sumunod.” pagmamalaki ni Marya.
“O siya, ikaw na ang panalo. Punta na ako kina Isko,
ikaw na ang pumunta kay Baste.” ang sagot ni Kaloy at nagtungo na nga ito sa
amin samantalang si Marya naman ay nanatili lang sa harap ng kanilang bahay
hanggang makalayo si Kaloy at humarurot ito patungong palaruan.
Ilang saglit pa ay dumating na kami ni Kaloy sa
palaruan.
“O bakit kayong dalawa lang?” ang tanong ni
Marya at nakapamewang pa.
“Ate naman sabi ko ikaw na sumundo kay Baste.” muling
pagmamaktol ni Kaloy.
“A ewan ko basta maghihintay nalang ako dito.
Puntahan mo na sila.” ang utos ni Marya.
“Ako nalang ang tatawag sa kanila.” Sambit ko.
Tatakbo na sana ako palabas ng palaruan ng makita
kong paparating na si Isay at Baste. Kumaway na lamang ako at naghintay kasama
nina Marya at Kaloy. Ilang saglit pa ay nakarating narin sina Baste at Isay sa
kinakatayuan nina Marya, Isko, at Kaloy sa tagpuan.
Ang tagpuang iyon ay isang malaking puno ng
duhat na ni minsan ay di pa namunga. Sabi ng tatay at nanay matandang puno na
raw iyon. Bata pa sila ay nandun na ang punong iyo at hanggang ngayon wala pang
bunga. Duhat na baog ang tawag ng mga taga-looban dito. At sa may tabi ng duhat
na baog ay ang papag ni Mang Oka.
Nagumpisa na ang madaldal at mayabang na si
Marya sa pagbibigay ng panuto para sa lalaruin naming tumbang preso. Una daw ay
magpo-pompyang daw kami at kung sino ang maiba siya ang taya. Tapos titirahin namin
ng aming tsinelas ang lata sa loob ng bilog kung saan ang tsinelas ng taya ay
nakapatong sa lata. Sa tuwing titira ka, kailangan mo kunin ang tsinelas mo
habang tatayain ka naman nung taya. Kapag na hawakan ka ng taya ikaw naman ang
papalit sa pwesto nya. Pero ang dapat na makamtan sa larong ito ay maitumba ang
lata para mas mahirapan ang taya na mahuli ka dahil kailangan muna niyang itayo
ang lata sa loob ng bilog at ipatong ang kanyang tsinelas ng maayos bago siya
makapanaya.
Sa pag-pompyang naming si Marya ang naiba at ito
ay nagmaktol na wari’y pinagkaisahan naming siya.
“Nakapadaya ninyong lahat. Pinagkaisahan nanaman
nyo ako.” ang sabi ni Marya.
“Di kami nagusap no.” ang sagot ni Kaloy. “Ikaw
ang taya kaya tara umpisahan na natin. Belat!” ang tukso pa nito.
Nagtakbuhan na ang lahat at inilagay na ni Marya
ng tsinelas nito sa ibabaw ng lata sa loob ng bilog. Unang tumira si Kaloy
ngunit nagmintis ito. Si Isay naman ang sumunod at ganoon din, siya ang
nagmintis. Papunta na si Isay para kunin ang tsinelas niya ngunit nakita kong
tatayain siya ni Marya kaya daglian kong itinapon ang tsinelas ko at “Sapol!”
nalito si Marya at nagmadaling ayusin ang lata at kanyang tsinelas habang si
Isay, Kaloy, at ako ay nakabalik sa loob ng linya ng hindi natataya.
Siguro mga limang bises munang ganung hindi
nakakapanaya si Marya ng nakaswerte siya at natamaan nya ang kili-kili ni
Baste. Nagtawanan kami at nagpatuloy sa paglalaro. Sharpshooter ang tawag nila
sa akin kaya nakiusap silang huwag na akong sumali. Sumangayon na lamang ako
dahil pagod narin ako. Mahirap narin baka atakihin ako ng hika, mapapalo
nanaman ako ng tatay. Natungo ako at umupo sa papag ni Mang Oka.
Sa papag ako ay nagpahinga habang pinagmamasdan
ang aking mga kaibigang galak na galak sa palalaro ng tumbang preso. Madalas
ganito ang nangyayari kapag kami ay naglalaro ako ay nagpapahinga at
nagmamasid. Dahil dito tamad ang madalas na pangkutya nila sa akin.
Nagulat nalang ako ng biglang sumunod si Isay sa
papag.
“Bakit ka sumunod. Ayaw mo na bang maglaro?” ang
tanong ko.
“Hindi naman. Inaalala ko lang baka hinihika ka
na naman.” ang sabi niya.
“Ganoon ba. Maraming salamat.” yun na lamang ang
nasambit ko. Humiga muna ako at doon ko natanaw ang maaliwalas na mukha ni
Isay. Doon ko lang napansin na may rikit si Isay na nakakaaliw pagmasdan. Bigla
akong napaisip ito na ba ang tinatawag nilang pag-hanga?
Itutuloy…
No comments:
Post a Comment