Thursday, September 11, 2014

Handurawan - Mga Alaala ni Isay (Ikalawang Bahagi)

Napansin ni Isay ang pagkakatitig ko sa kanya.

“May dumi ba sa mukha ko?” paguusisa ni Isay

“Wala naman. May muta ka lang.” ang pabirong sambit ko sabay punas sa gilid ng mata niya para hindi nito mapansin na may iba ng ibig sabihin ang mga titig ko. Doon ko rin naramdaman ang malambot na balat niya.

Pagkaraan pa ay biglang sumigaw si Marya ng… “Uy, yung dalawa, nagkakamaigihan na.” pabiro nito na biglaan naman ikinainis ni Isay.

Dahil sa reaksyon ni Isay naisip kong baliwalain na lamang ang nararamdaman ko sa kanya at manatili nalang kaming magkaibigan.

Oo. Magkaibigan. Magkalaro. Magkababata.

IKALAWANG LARO

Lumipas ang taon at malapit ng magpasko. Ilang araw nalang at matatapos na ang aming klase kaya mas maluwag na an aming oras. Mas marami na ang oras ng laro. Gaya ng dati sinundo ako nina Kaloy at Baste sa amin pagkatapos ng klase. Sabi nila naghihintay na raw si Marya at Isay sa tagpuan. Daglian naman akong nagpalit ng pambahay at nagtutumakbong tumungo sa labas ng bakuran naming.

“Anong petsa na Isko? Kay tagal mo kumilos. Mamaya magalit nanaman sa atin si tandang Marya.” ani Baste.

“Tanda pala ha. Isusumbong kita sa ate.” ang biglang pagbibiro ni Kaloy at akma na sanang susuntukin ni Baste.

“Awat na nga kayong dalawa.” awat ko sa dalawa. Sabay hatak sa kamay nila palayo sa bahay patungong tagpuan.

Nagbabangayan parin si Baste at Kaloy pagkadating namin ng tagpuan.  Nagsumbong nga si Kaloy kay Marya kaya binatukan nito si Baste.

“Asan si Isay?” ang paguusisa ko.

“Nandito lang ako.” Sagot naman agad ni Isay na nagtatagot sa likod ng duhat na baog.

“Anong ginagawa mo diyan?” tanong naman ni Kaloy.

“Umihi. Wala naman nakasulat na bawal umihi e. Ang tagal nyo kasi.” reklamo ni Isay.

“Si Isko kasi ang kupad.” Sagot ni Baste.

“Oo nga!” ayon ni Kaloy. “Kaya di makapanligaw sayo Isay.” Bulong nito.

“Ano kamo Kaloy?” tanong ni Isay.

“Ano ka ba Isay? Di mo parin alam? May paghanga si Isko sa iyo.” ang pagmamalaki ni Marya.

Namula ang pisngi ni Isay at bigla akong tinukso.

“Pa’no magkakagusto sa akin yan e halos makakapatid na tayo.” Katwiran ni Isay.

“Oo nga.” Sagot ko. “At isa pa bata pa tayo para magkaroon ng gusto.” Sunod kong sambit.

“Sabagay di pa nga kayo tuli e.” pangungutya ni Marya.


Nagpatuloy ang pagbibiruan ng lahat. Hangang mapagdesisyonan na naming maglaro ng patentero pero kulang kami ng manlalaro dapat apatan para mas masaya at mahirap ang pag-alpas sa bawat guhit dahil may patotot. Nakaisa nalang kami na maglaro ng piko. Naghanap kami ng kanya kanyang pamato. Ang sabi ni Nanay dapat daw lapad at pitpit ang bato na gagawing pamato. Gumuhit naman si Marya ang parang bahay. At nag pompyang uli para malaman kung sino ang una at ang huling dalawa matitira sa pompyang o maiba alis ay mag-babato- bato-pik.





Si Marya ang nauna at ako ang kulelat sa larong ito. Paglapag ni Marya ng pamato nya sa unang kahon at nagumpisa na itong kumandirit. Palukso-lukso siya hangang matapos puntahan ang buong guhit ng piko. Halos matapos ni Marya ang laro samantalang pinanood naming siya. Nagkaroon sya agad ng bahay at ito ay mas nagpahirap sa susunod na manlalaro. Dahil sa hindi na ako natuwa sa nilalaro naming niyaya ko silang mag taya-tayaan nalang. Madali lang ang larong ito magtatakbuhan lang at ang taya ay tatayain ka sa ulo o balikat. Para hindi ka mabalagoong dapat mabilis kang tumakbo at mahaba ang iyong kamay para mataya mo sila. Si Isay ang taya noon at halos mapagod na ito sa kakahabol sa amin. Tumigil ako ng saglit at hinahabol na ang hininga ko. Parang hihikain nanaman ako pero nasa kalagitnaan palang ako ng katuwaan kaya titiisin ko to ang sabi ko sa isip ko ng biglang may kamay na tumama sa likod ko.


“Ayan ikaw na ang taya Isko.” Ang masayang wika ni Isay.

“Andaya naman. Nagpapahinga pa ako.” ang sagot ko habang naghahabol ng hininga.

Wala na akong nagawa kundi ang magumpisa sa pagtakbo upang mataya ang iba ng bigla may matandang babae na galit nag alit at tumatakbo patungo sa amin. Si Aleng Bebang ay humahangos at galit na galit na lumapit kay Isay at pinalo nya ito ng kawayan. Sa bawat hampas ng kawayang patpat sa hita ni Isay, luha at iyak lang ang ipinapalit nito.

“Aleng Bebang tama na po.” ang awat ko.

“Anong tama na? Baka gusto mo tamaan karin sa akin?” ang tanong niya sa aking habang pinandidilatan ako. Hinatak nalang ako nina Baste palayo para hindi na kami pagbuntunan ng galit ni Aleng Bebang.

“Wala ka ng inatupag na bata ka kundi ang malaro. Di mo man lang ako tulungan. Yang mga kalaro mo may kakayahan silang maglaro, ikaw wala dahil kailangan mo munang tumulong para sa pagbebenta ng karne. Inuuna mo pa yang laro kaysa sa pangkain natin?” ang galit na galit na sambit ni Aleng Bebang habang pinapalo si Isay.

Gayon na lamang ang habag ko sa kaibigan naming. Hindi naman ninais ni Isay na maglaro lang at hindi tumulong. Dahil hindi madaldal talaga si Marya bigla siyang sumigaw.

“Sabi po nila ang mga matatanda lang dapat ang nagtratrabaho bakit po ninyo pinagtratrabaho si Isay e bata pa siya!” ang sigaw ni Marya.

Nang akma na pagbuntunan ni Aleng Bebang si Marya ay parang magiting na bayani na pumagitna si Mang Oka. “Bebang ako na ang magpapaliwanag sa mga bata. H’wag mong hayaang mamuhi sila sa iyo. At baka pagmulan pa ng ayaw nyo iyan ni Mareng Ason.” Sabi ni Mang Oka. “At h’wag mo naman latayan si Isay. Kawawa naman ang bata.” Ang patuloy nito.

“Naku Mang Oka, maswerte kasi ang mga batang iyan. Di tulad namin.” Katwiran ni Aleng Bebang.

“Bebang nandito lang naman ang mga kapitbahay mo handang tumulong sa’yo. Magsabi ka lang.” sambit ni Mang Oka.

“Bakit di ko ba kayang buhayin si Isay mag-isa?” paluhang tanong ni Aleng Bebang.

“Hindi naman sa ga…” ang naputol na wika ni Mang Oka dahil hindi na ito pinatapos pa ni Aleng Bebang at bumaling na siya kay Isay habang kinukuha nito ang mga kamay ni Isay para hawakan.

“Simula bukas wala ng maglalaro. Kayong apat huwag nyo ng yayayain si Isay. At ikaw naman Isay dapat masanay ka ng magbanat ng buto. Kung hindi tayo iniwan ng damuho mong ama hindi sana ganito kahirap ang buhay natin.” Patuloy ni Aleng Bebang at kinaladkad niya si Isay patungong looban.

Natakot ako sa tagpong iyon. Gusto kong tulungan si Isay pero wala naman akong magagawa. Sinisisi naman ni Baste si Marya dahil muntikan na kaming pagbalingan ni Aleng Bebang.

“Mga bata dito nga kayo sa papag.” Tawag samin ni Mang Oka. “Dapat bago kayo maglaro ay natapos nyo na ang inyong mga gawain sa bahay man o ang inyong mga takdang aralin. At sana h’wag nyong kamuhian si Aleng Bebang. Intindihin nyo sya. Mahirap ang maging ama’t ina para sa anak lalo na sa kalagayan nila. Kaya kailangan ding tumulong ni Isay.” Patuloy ni Mang Oka.

“E pero po sabi nina Nanay at Tatay, dapat mga matatanda lang ang nagtratrabaho.” Katwiran ni Marya.

“Tama ang sinabi nina Mareng Ason at Pareng Paeng, Marya. Pero iba ang kalagayan ni Isay. Wala siyang tatay na dapat nagtratrabaho para sa pamilya nila. Mga bata pa nga kayo at hindi nyo maiintindihan yan.” Paliwanag ni Mang Oka.

Di pa lumulubog ang araw at malungkot kaming apat na umalis ng tagpuan. Patungo na kami ng looban at kami ay nagaalala kay Isay. Sana ay hindi na siya paluin pa ni Aleng Bebang at sana may ibang paraan para matulungan siya. Magtatanong ako kay Tatay mamaya pag-uwi kung ano ang pwedeng gawin para matulungan si Isay sa kalagayan nya. Yun narin ang sinambit ko kina Marya, Kaloy, at Baste na banggitin sa mga magulang nila ang kalagayan nina Aleng Bebang at Isay.

“Oo naman gagawin namin yun para kay Isay.” Sabi ni Baste.

“Si ate na bahala kina Tatay at Nanay.” Sabi naman ni Kaloy.

“Oo naman no. Kaibigan kaya natin si Isay. At tsaka pasuporta naming to sa tambalang Isko-Isay! Halata ka talaga Isko. Mahal mo na ba si Isay?” ang tanong ni Marya habang naka-akbay sa akin.


Umiling nalang ako at napangiti.

Tuesday, September 9, 2014

Handurawan – Mga Alaala ni Isay (Unang Bahagi)

Malapit ng magdapit hapon at masaya kong inaalala ang mga nakaraan. Batang naglalaro mula hapon hanggang lumubog ang araw. Masayang nagtatawanan si Baste, si Marya, si Kaloy, si Isay, at ako habang naglalakad mula sa aming palaruan patungon looban. Malamig ang hanging dumadampi sa pawisang mga katawan habang tinutukso si Baste sa baho niya. Madalas na ganoon ang tagpo pagkatapos ng amin laro sa aming mumunting mundo, ang palaruan.



Si Marya ang pinaka matanda sa amin. Nasa ika-6 na baitang na siya. Si Kaloy na nakababatang kapatid ni Marya ay kaedaran naming ni Baste. Nasa ika-5 na baitang kami samantalang si Isay at nasa kapareho na naming edad pero di siya nag-aaral. Pinahinto siya ng nanay niya kasi wala silang pera.

UNANG LARO

Alas-tres na ng hapon ng sumunod na araw at nagtawag na si Marya pagkalapag ng gamit niya galing sa paaralan. Biyernes noon pero kahit naman may pasok, pagkarating na sa bahay basta may magyaya sa palaruan e pupunta at pupunta ang lahat.

Kaloy! Kaloy! Yayain mo na ang iba. Maglalaro tayo ng tumbang preso!” ang sigaw ni Marya.

Ate naman e. Kaya mo naman na silang tawagin ako pa talaga ang inutusan.” pagmamaktol ni Kaloy.

Mas-matanda ako sayo kaya wala kang magagawa kundi ang sumunod.” pagmamalaki ni Marya.

O siya, ikaw na ang panalo. Punta na ako kina Isko, ikaw na ang pumunta kay Baste.” ang sagot ni Kaloy at nagtungo na nga ito sa amin samantalang si Marya naman ay nanatili lang sa harap ng kanilang bahay hanggang makalayo si Kaloy at humarurot ito patungong palaruan.

Ilang saglit pa ay dumating na kami ni Kaloy sa palaruan.

O bakit kayong dalawa lang?” ang tanong ni Marya at nakapamewang pa.

Ate naman sabi ko ikaw na sumundo kay Baste.” muling pagmamaktol ni Kaloy.

A ewan ko basta maghihintay nalang ako dito. Puntahan mo na sila.” ang utos ni Marya.

Ako nalang ang tatawag sa kanila.” Sambit ko.

Tatakbo na sana ako palabas ng palaruan ng makita kong paparating na si Isay at Baste. Kumaway na lamang ako at naghintay kasama nina Marya at Kaloy. Ilang saglit pa ay nakarating narin sina Baste at Isay sa kinakatayuan nina Marya, Isko, at Kaloy sa tagpuan.

Ang tagpuang iyon ay isang malaking puno ng duhat na ni minsan ay di pa namunga. Sabi ng tatay at nanay matandang puno na raw iyon. Bata pa sila ay nandun na ang punong iyo at hanggang ngayon wala pang bunga. Duhat na baog ang tawag ng mga taga-looban dito. At sa may tabi ng duhat na baog ay ang papag ni Mang Oka.

Nagumpisa na ang madaldal at mayabang na si Marya sa pagbibigay ng panuto para sa lalaruin naming tumbang preso. Una daw ay magpo-pompyang daw kami at kung sino ang maiba siya ang taya. Tapos titirahin namin ng aming tsinelas ang lata sa loob ng bilog kung saan ang tsinelas ng taya ay nakapatong sa lata. Sa tuwing titira ka, kailangan mo kunin ang tsinelas mo habang tatayain ka naman nung taya. Kapag na hawakan ka ng taya ikaw naman ang papalit sa pwesto nya. Pero ang dapat na makamtan sa larong ito ay maitumba ang lata para mas mahirapan ang taya na mahuli ka dahil kailangan muna niyang itayo ang lata sa loob ng bilog at ipatong ang kanyang tsinelas ng maayos bago siya makapanaya.

Sa pag-pompyang naming si Marya ang naiba at ito ay nagmaktol na wari’y pinagkaisahan naming siya.

Nakapadaya ninyong lahat. Pinagkaisahan nanaman nyo ako.” ang sabi ni Marya.

Di kami nagusap no.” ang sagot ni Kaloy. “Ikaw ang taya kaya tara umpisahan na natin. Belat!” ang tukso pa nito.

Nagtakbuhan na ang lahat at inilagay na ni Marya ng tsinelas nito sa ibabaw ng lata sa loob ng bilog. Unang tumira si Kaloy ngunit nagmintis ito. Si Isay naman ang sumunod at ganoon din, siya ang nagmintis. Papunta na si Isay para kunin ang tsinelas niya ngunit nakita kong tatayain siya ni Marya kaya daglian kong itinapon ang tsinelas ko at “Sapol!” nalito si Marya at nagmadaling ayusin ang lata at kanyang tsinelas habang si Isay, Kaloy, at ako ay nakabalik sa loob ng linya ng hindi natataya.

Siguro mga limang bises munang ganung hindi nakakapanaya si Marya ng nakaswerte siya at natamaan nya ang kili-kili ni Baste. Nagtawanan kami at nagpatuloy sa paglalaro. Sharpshooter ang tawag nila sa akin kaya nakiusap silang huwag na akong sumali. Sumangayon na lamang ako dahil pagod narin ako. Mahirap narin baka atakihin ako ng hika, mapapalo nanaman ako ng tatay. Natungo ako at umupo sa papag ni Mang Oka.

Sa papag ako ay nagpahinga habang pinagmamasdan ang aking mga kaibigang galak na galak sa palalaro ng tumbang preso. Madalas ganito ang nangyayari kapag kami ay naglalaro ako ay nagpapahinga at nagmamasid. Dahil dito tamad ang madalas na pangkutya nila sa akin.
Nagulat nalang ako ng biglang sumunod si Isay sa papag.

Bakit ka sumunod. Ayaw mo na bang maglaro?” ang tanong ko.

Hindi naman. Inaalala ko lang baka hinihika ka na naman.” ang sabi niya.

Ganoon ba. Maraming salamat.” yun na lamang ang nasambit ko. Humiga muna ako at doon ko natanaw ang maaliwalas na mukha ni Isay. Doon ko lang napansin na may rikit si Isay na nakakaaliw pagmasdan. Bigla akong napaisip ito na ba ang tinatawag nilang pag-hanga?


Itutuloy…

What's In This Page...

Hi Everyone! I have been starting to make my blogsite wider and trying to be riskier specially in sharing what has been playing in my coconut shell. I hope I can find some of those articles or stories I've written when I was in grade school and share it with everyone. I think I might come too weird for you as I have written stuff that most of my friends said were unbearably not of my age yet finding those manuscripts will be very hard. I'm still trying and clinging to the hopes of finding them if not then recreate them. I wish I can reanimate them for you so it's more like watching a movie or an anime. <hehehe>

Just my two cents: I know writing could sometimes affect someone else's life but I'm hoping that reading my stories will just be for fun and if they will help in your daily life stories then I think it will be my pleasure of making you deal with life by these stories. I'm a writer and what I skill I can offer are skills that I hope will make a worthy stories to make my readers entertained and hopefully you can pick good values and the likes. I'm actually thankful to the birth of social networking as I am able to share what they so called talent to anybody. I know there have been pros and cons about social networking but I wish mine can be more of those affecting the good cause. I just don't know if my travel blog can't have any negative effects as I write only those that I experienced. <I comment negatively if I experienced negatively. Experiences may vary dependent on what a person likes or wants is and their outlook too.


Hence, I have started introducing you to this new page which I've titled Story Telling With Yu, where you will be reading stories about love, horror, mysteries, crazy ideas, books I've read, stories I want to share, and the likes; I hope you will enjoy reading them and comments are openly accepted. Be advised that this is not some kind of create your own story site which you as the reader decide what will happen to the story but I hoping I can do such. It will be a very tedious but I'm willing to accommodate and bringing this up is actually me thinking about this kind of story writing. 

Thanks for your time and I hope to hear from you soon.